Thursday, December 15, 2016
BLUE WATER BEACH RESORT
Amlan Blue Water Beach Resort Hotel and Restaurant
Ang Amlan Blue Water Beach Resort Hotel and Restaurant o mas kilalang Blue Water ay matatagpuan sa Jugno, Amlan, Negros Oriental. Ito ay napakadaling hanapin sapagkat ito ay nasa tabi lamang ng daan o national highway. Pagkapasok mo sa loob, makikita mo ang mga silid na maaring paglipasan ng gabi. Makikita mo rin ang mini restaurant doon at ito ay malapit sa malaking pool. Kung titignan ang pool ay para itong number 8, dahil sa dalawang pool na magkatabi. Ang isa ay malaki habang ang isa naman ay maliit. Ang malaking pool ay may lalim na sampung talampakan o 10 feet. Ang maliit na pool naman ay may lalim na apat na talampakan o 4 feet. Meron din itong mahabang slide papunta sa malaking pool. Sa tabi naman nito ay maliit na hagdanan na may tubig na dumadaloy papunta sa malaking pool. Malaki ang kabuohan ng resort, sa labas naman nito ay dalampasigan. Kaya kung gusto mong maligo ng dagat ay maari rin dahil nga malapit ito sa dagat. Maganda ito para sa outing ninyong magkakaibigan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Naiingganyu akong pumunta dito. Salamat sa iyong blog at may nakita na naman akong destinasyun ngayung holiday.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
DeleteGusto ko tuloy pumunta!
ReplyDeleteThanks ma'am.
DeleteI've been here before :-) it was fun and nice :-) hope to be back sooner :-)
ReplyDeleteI've been here before :-) it was fun and nice :-) hope to be back sooner :-)
ReplyDeleteI'm looking forward to visit that place XD
ReplyDeleteSOOON!!!
Wow!punta tayo dyan guys!!
ReplyDeleteWow 😳, ganda nang pool.
ReplyDeleteProud to be NEGRENSE!
ReplyDeleteProven and tested! 😊
ReplyDeleteAko ay naingganyong pumunta sa lugar na ito dahil sa blog na ito. Maraming salamat sa pagbigay ng impormasyon tungkol sa lugar na ito dahil ito talaga ay maganda at dapat talagang bisitahin ng mga turista at ng mga tao.
ReplyDeletethank you for using technology in promoting the beauty of what's new and better places to see and experience. will get there soon!
ReplyDeleteAng ganda ng resort na ito, gusto kong pumunta dito.At ang linis pa at may magandang tanawin.Sigurado akong makakarelax ang mga taong pupunta dito.
ReplyDeleteThe resort is amazing. I would love to come here when I'm given a chance ���� way to go bii. You make me really proud ��
ReplyDeletemaganda ang pagkakalarawan subalit nakulangan lang ako sa larawan na iyong ipinaskil.
ReplyDeletemarami pa siguro pwedeng gawin sa lugar na ito
ReplyDelete