Thursday, December 15, 2016

BLUE WATER BEACH RESORT


Amlan Blue Water Beach Resort Hotel and Restaurant


 Ang Amlan Blue Water Beach Resort Hotel and Restaurant o mas kilalang Blue Water ay matatagpuan sa Jugno, Amlan, Negros Oriental. Ito ay napakadaling hanapin sapagkat ito ay nasa tabi lamang ng daan o national highway. Pagkapasok mo sa loob, makikita mo ang mga silid na maaring paglipasan ng gabi. Makikita mo rin ang mini restaurant doon at ito ay malapit sa malaking pool. Kung titignan ang pool ay para itong number 8, dahil sa dalawang pool na magkatabi. Ang isa ay malaki habang ang isa naman ay maliit. Ang malaking pool  ay may lalim na sampung talampakan o 10 feet. Ang maliit na pool naman ay may lalim na apat na talampakan o 4 feet. Meron din itong mahabang slide papunta sa malaking pool. Sa tabi naman nito ay maliit na hagdanan na may tubig na dumadaloy papunta sa malaking pool. Malaki ang kabuohan ng resort, sa labas naman nito ay dalampasigan. Kaya kung gusto mong maligo ng dagat ay maari rin dahil nga malapit ito sa dagat. Maganda ito para sa outing ninyong magkakaibigan.